Huwebes, Agosto 2, 2018

BUWAN NG AGOSTO,BUWAN NG SALIKSIK



Resulta ng larawan para sa buwan ng wika

 Sa buwan ng Agosto, ipinagdidiriwang natin ang Buwan ng Wika na ang tema ay Filipino: Wika ng Saliksik. Ang wika ay isang pagpapatastasan, pagbibigay ng mga impormasyon sa ibang mga tao at pag-bibigay ng opinyon sa isang topiko o isang bagay. Wika ang nagsasalamin sa ating bansa dahil kung wala tayong wika, hindi tayo makakausap o magkakaintindihan. Ang wika ay isa ding sistematikong  pagbabalangkas ng sinasalitang tunog. Kung wala kang wika, mawawalan ng saysay ang mga ginagawa ng ating kapwa. Dahil ginagamit natin ito sa pakikipagugnayan sa ibang tao. At sa ngayong taon hinihikayat natin ating kapwa na gamitin ang ating wika.
    Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika , ay higit pa sa amoy ng malansang isda. Ito ang sinabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Ayon sa aking nabasa, Ang pananaliksik ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala o mga pamamaraan, at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan . Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan. Sumasaliksik tayo sa ating sariling wika. Lahat tayo ay may kontribusyon para sa ikauunlad ng ating wika. Dahil sa ating pananaliksik, tayo ay kumakalap ng mga impormasyon sa buong mundong ating kinabibilangan. Dito natin maipapakita ang paggamit ng ating sariling wika sa ating araw-araw na gawain. Hindi lang dito sa ating bahay, doon din sa ating paaralan sa opisina at sa anumang lugar na iyong pupuntahan. 
     Ang ating bansang Pilipinas ay kinakailangan natin na ito'y paunlarin at simulan natin sa ating wikang kinahinatnan. Tayo'y magsaliksik, maging mapanuri, at magsuri sa lahat ng iyong lugar na pupuntahan. Dahil ang wikang Pilipino ay mananatiling wikang Pilipino at walang mang sinuman ang makakabago nito. Magsaliksik para sa isang mapanuring mamamayang Pilipino. 



2 komento:

Equality

God created Adan,  but God saw that Adan was lonely so God created Eve. Women was made for men and men was made for women. They were destine...